Pinagkukunan ng langis ng bansa, pinatitiyak na hindi maaapektuhan ng kasalukuyang tensyon ng Russia at Ukraine

Pinakikilos ni ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo ang pamahalaan na tiyaking hindi maaapektuhan ang presyo ng krudo na pinagkukunan ng bansa.

Ang panawagan ay kasunod na rin ng Russia-Ukraine War kung saan napasok na ng Russian troops ang border ng Ukraine.

Ayon sa kongresista, ang ini-import na langis ng Pilipinas ay mula sa Dubai at hindi sa Europa.


Ngunit, anumang resulta ng nangyayaring tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine ay maaaring magdulot ng reaksyon sa world oil markets at financial markets.

Inirekomenda ng mambabatas na ang maaaring gawin ng ating pamahalaan at ng mga bansang kasapi ng ASEAN ay dumulog sa Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) upang matiyak sa Pilipinas at sa mga bansa sa Asya na kayang pigilan ang anumang pressure lalo na ang pagtaas sa presyo ng langis partikular sa kinukunan nating Dubai crude.

Facebook Comments