Surigao Del Sur – Patay ang tatlong bata matapos na aksidenteng sumabog ang isang bala ng m203 na kanilang pinaglaruan sa Purok 6, Sitio Neptune, Barangay Diatagon, Lianga, Surigao Del Sur.
Nakilala ang mga batang nasawi na sina Rynna Tiu, 12-anyos; renz galdiano, 3-anyos at ang isang taong gulang na si reden galdiano.
Sa ulat, pinaglalaruan ng biktimang si renz ang bala ng m203 grenade launcher habang nasa terrace ng bahay ni reger galdiano.
Itinapon ni renz ang bala habang kasama sina rynna at reden kung saan sumabog ito na naging dahilan ng pagkasawi ng tatlo.
Patuloy ngayong inaalam ng pulisya kung saan nakuha ng mga bata ang nasabing bala.
Facebook Comments