PINAGLARUAN | Tatlong bata, sugatan matapos sumabog ang isang granada

Basilan – Sugatan ang tatlong bata matapos masabugan ng isang granada na
kanilang napulot sa Barangay Baguindan, Tipo-Tipo, Basilan.

Sa ulat, nakuha ng magkakapatid na may edad 3,5 at 6-anyos ang bala ng M203
grenade launcher sa isang bukid.

Isinabit ito ng kanilang ina sa isang puno pero nakuha ito ng mga bata saka
pinaglaruan hanggang sa sumabog.


Nagtamo ng sugat sa leeg at katawan ang pinakamatanda sa mga bata habang
minor injuries lang ang nakuha ng kaniyang dalawang kapatid king saan
patuloy silang inoobserbahan sa isang ospital sa Isabela City.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments