Pinaglibingan sa Malaysian terrorist na si Ahmad Mammud, patuloy na tinutukoy ng AFP

Marawi City – Patuloy na inaalam ng Armed Forces of the Philippines ang lugar sa Marawi City kung saan inilibing ang Malaysian terrorist na si Ahmad Mammud.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, mahalaga na matukoy ng militar kung saan inilibing ang teroristang banyag na una nang napatay ng tropa ng militar.

Bukod kay Mammud, tinutukoy din ng militar kung saan inilibing ng Maute ISIS terrorist group ang iba pa nilang mga pinatay sa kasagsagan ng giyera.


Kaugnay nito, sinabi pa ni Lorenzan ilang linggo pa ang bibilangin bago muling bumalik sa normal ang sitwasyon sa Marawi.

Sa ngayon aniya nagpapatuloy pa ang clearing operation, at may mga narere-kober pang improvised explosive device, unexploded bomb, maging mga bangkay ay nakakarekober pa ang militar.

Facebook Comments