Manila, Philippines – Inihayag ng Department of Public Works and Highways Bulacan Second District Engineering Office na nakumpleto na ang 2.093-Billion pesos na halaga ng pambansang lansangan, mga tulay, mga istrakturang pangontrol sa baha at iba pang infrastructure projects para sa taong 2017.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang nakumpletong mga proyekto sa ilalim ng programang Build, Build, Build ng administrasyong Duterte.
Kabilang sa mga natapos na Infra Project ay nasa San Jose Del Monte City at mga bayan ng Angat, San Rafael, San Ildefonso, San Miguel, Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, Sta. Maria, Marilao, Meycauayan, Obando at ang 19.59 kilometrong pambansang kalsada, ang 88 lineal meters na mga tulay, 31 flood control structures at 105 iba pang proyektong pang-imprastraktura.
Paliwanag ni Bulacan District Engineer Ramiro M. Cruz, mas mabilis na ngayon at ligtas ang travel time sa lalawigan ng Bulacan.