
Nakikipag-ugnayan na ang Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang tuluyan ng masugpo ang mga illegal online gambling sa bansa.
Ayon kay PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz, masusi nilang iniimbestigahan kung may mga kaso ng pang-aabuso o pananakot gaya sa mga online lending scheme at kung may mga kaso ng money laundering na tulad sa mga Philippine Offshore Gaming Operations o POGO.
Aniya, kasalukuyan na nilang sinusuri ang pinagmulan at mga koneksyon nito.
Isusumite na rin nila sa mga mambabatas ang resulta ng kanilang pag-aaral kaugnay ng paghihigpit o tuluyang pagbabawal ng online na pagsusugal sa bansa.
Matatandaang iba’t ibang panukala na ang inihain ng mga mambabatas na planong i-regulate o gawing total ban ang online gambling dahil sa dumaraming nalulong sa sugal.









