Pinagmulan ng iba’t ibang klaseng armas ni Kapa Community International Founder Joel Apolinario, inaalam na ng PNP; Mayor ng Lingig, Surigao Del Sur, ini-imbestigahan din!

Nakatakdang iharap ngayon araw sa Surigao Del Sur Provincial Prosecutors Office ang naarestong founder ng Kapa Community International na si Joel Apolinario at 23 tauhan nito.

Sa interview ng RMN Manila kay Police Regional Office-Caraga Spokesperson Police Major Renel Serrano, may kaugnayan ito sa isasampa nilang kaso laban kay Pastor Apolinario at mga tauhan nito matapos ang nangyaring bakbakan sa isang isolated na resort sa Sitio Dahican sa Barangay Handamayan, Bayan ng Lingig, Surigao Del Sur kung saan dalawa ang nasawi.

Kasong paglabag sa illegal prossesion of firearms and explosives ang nakatakdang isampa laban sa grupo ng Kapa founder matapos marekober ang ibat-ibang matataas na kalibre ng armas na kinabibilangan ng;


– 30 units ng M16 rifle
– 2 units ng M4 rifle
– 1unit ng garand rifle
– 3 units ng 60 caliber machine gun
– 1 unit ng 50 caliber sniper rifle
– 3 units ng caliber 22 rifle
– 1 unit ng carbine
– 1 unit ng shotgun
– 2 units ng RPG
– 5 units ng caliber 45 pistol
– At assorted ammunition.

Kasabay nito, sinabi ni Serrano na ini-imbestigahan na nila kung saan nagmula ang napakaraming armas ng Kapa founder.

Pinagpapaliwanag din ang Mayor ng Lingig, Surigao Del Sur matapos na makatuklasan na binili ni Apolinario ang nasabing 20 hectares na resort mula sa Alkalde.

Facebook Comments