Pinagmulan ng mga narekober na war materials ng mga mangingisda sa Cagayan, pinaiimbestigahan na ni PNP Chief Debold Sinas

Ligtas ang 24 na weapon crates na nadiskubre ng mga mangingisda sa Cagayan.

Ito ang tiniyak ng Explosives Ordnance Division (EOD) technicians.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas, tinitiyak niya sa mga residente ng Claveria, Cagayan na wala silang dapat na ikaalarma sa mga nadiskubreng 24 na wooden military crates at isang empty steel 20mm ammunition box na may nakatatak na “high explosive”.


Aniya, negative sa anumang explosive and hazardous materials ang mga nadiskubreng weapon.

Magkagayunpaman inutos ni PNP Chief sa PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon para matukoy kung saan nanggaling ang mga war materials at paano napunta sa Claveria, Cagayan.

Nakikipag-ugnayan na rin ngayon ang PNP-EOD K9 officials sa mga foreign counterparts para matukoy kung saan ginamit ang mga weapon crates.

Batay sa inisyal na imbestigasyon tatlong mangingisda mula sa Blue Lagoon, Barangay Taggat Norte, Claveria, Cagayan ang nag-turn over ng mga items sa PNP Maritime Group matapos daw nilang makita sa tabing dagat.

Facebook Comments