Manila, Philippines – Hindi kompleto ang ating Chinese New Year kung wala ang isa sa mga bidang pampaswerte na “tikoy”.
Ayon sa mga eksperto, nagmula ang tikoy sa southern provinces ng China kung saan sa dami umano ng aning bigas ay nilagyan nila ito ng pampatamis upang hindi agad masira.
Dinala naman ang tikoy ng mga mangangalakal na Instik sa Pilipinas.
Sa paglipas ng panahon, dumami na ang uri ng tikoy tulad ng mga itinitinda sa China Town sa Binondo kung saan matitikman ang iba’t-ibang flavor nito.
Lahat ng mga ito ay may dala daw na pampaswerte pero payo pa rin ng mga eksperto, huwag dito iasa ang asenso at tagumpay, kundi sa diskarte, sipag at pagpupursige sa buhay.
Facebook Comments