Pinagmulan ng relief goods na ibinebenta, tutukuyin ng PNP

Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Acting Chief PLTGEN Jose Melencio Nartatez, Jr. sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na imbestigahan maigi at tukuyin ang pinagmulan ng P15.5 milyong halaga ng relief goods na nasabat mula sa isang negosyante sa Maynila.

Ang naturang mga relief good na may tatak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nadiskubreng ibinebenta.

Ayon kay Nartatez, hindi lamang iisang tao ang sangkot sa iligal na bentahan kundi posibleng may sindikato at insiders na nakinabang sa mga ayuda ng gobyerno.

Sinabi ni Nartatez na inatasan na nya ang CIDG na i-trace ang buong supply chain, mula sa pinagkuhanan ng mga relief goods hanggang sa pagbebenta nito sa black market.

Dagdag pa ni Nartatez, mas paiigtingin pa ng PNP at DSWD ang monitoring at joint operations para matigil ang bentahan ng ayuda.

Facebook Comments