Pinagmulan ng sunog sa isang mall sa BGC, Taguig, natukoy na ng mga imbestigador

Kinumpirma ni Taguig City Fire Director, Supt. Bernard Rosete na na nagsimula sa projector area o sa likurang bahagi ng sinehan ang sunog kanina sa ikatlong palapag ng Uptown Mall sa BGC, Taguig City.

Ayon kay Rosete, gumamit pa sila ng mga breathing apparatus dahil sa kapal ng usok sa loob ng sinehan.

Bunga nito, pinalalabas aniya nila ang usok mula sa ikatlong palapag.


Wala namang napaulat na nasaktan o namatay sa sunog.

Sa opisyal na pahayag ng Megaworld Lifestyle Mall, mabilis na nailikas ang mga empleyado, mall guest at mga manggagawa sa gusali, bilang pagsunod sa safety protocols.

Pansamantala munang sarado ang operasyon ng Uptown Mall Cinema 3.

Facebook Comments