Manila, Philippines – Plano ng ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magtatag pa ng karagdagang consular offices sa mga lalawigan at mga pangunahing lungsod sa buong bansa.
Binigyan diin ni DFA Assistant Secretary Frank Cimafranca, ang kahalagahan ng pagtatatag ng DFA consular offices sa mga lalawigan at sa mga pangunahing lungsod sa buong bansa upang magbigay ng kaginhawahan, accessibility sa mga Pilipino sa pagpoproseso ng kanilang mga pasaporte at sa pag-avail sa iba pang mga serbisyo na inaalok ng DFA.
Ang pagtatatag ng consular offices sa bansa ay alinsunod narin sa Executive Order 45 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Target ng DFA na magtatag ng siyam pang consular offices sa buong bansa sa ngayong taon.
Ngayong bwan bubuksan ang DFA consular office sa San Nicolas, Ilocos Norte at Santiago, Isabela.
Isa sa mga dahilan ng mataas na passport demand ay ang pagpapalawig ng 10 taon ng validity period nito.