PINAGPAPALIWANAG | LTO, ipapatawag sa Kamara kaugnay sa paghuli sa mga modified vehicles

Pinagpapaliwanag ang Land Transportation Office (LTO) sa Kamara kaugnay sa paghuli ng ahensya sa mga modified vehicles.

Sa House Resolution 2261 na inihain ni 1-CARE Partylist Rep. Carlos Roman Uybarreta, inoobliga ang LTO na humarap sa Kamara para ipaliwanag ang panghuhuli sa mga modified vehicles.

Nauna dito ay inamin mismo ng LTO na walang scientific basis na road-safety risk ang mga modified na sasakyan taliwas sa dahilan kaya hinuhuli ang mga ito sa lansangan.


Marami na aniya siyang natatanggap na reklamo mula sa mga car owners na hinuli, kinumpiska at ini-impound ang kanilang mga sasakyan.

Tinukoy pa ng kongresista na batay sa accident statistics, ang mga motorsiklo, dilapidated cargo trucks, jeepneys, at mga buses ang madalas na nasasangkot sa mga aksidente sa kalsada.

Hindi aniya maiwasan ng mga car owners na isiping gagawing gatasan lamang ng mga LTO enforcers ang department order sa panghuhuli sa mga modified cars.

Facebook Comments