PINAGPAPASYA | Escudero, iginiit sa SC na magdesisyon na sa petisyon ni Trillanes

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Francis Chiz Escudero sa kataas taasang hukuman na magpasya na kaugnay sa petisyong inihain ni Senator Antonio Trillanes IV laban sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang bisa sa kanyang amnesty.

Ayon kay Escudero, kung hindi pa makakapagbaba ng pasya ang Supreme Court ay maari itong mag isyu muna ng temporary restraining order para mapigil ang mga posibleng pag-aresto kay Trillanes.

Paliwanag ni Escduero, mahalaga ang desisyon ng kataas taasahang hukuman sa isyu ng amnestiya ni Trillanes dahil ito ang gagabay sa magiging pasya ng mababang korte.


Sa tingin ni Escudero, ang paglalabas ng warrant of arrest ng Makati Regional Trial Court Branch 150 kahapon kung saan nagpyansa si Trillanes ay alinsunod sa kautusan ng Pangulo.

Sinabi ni Escudero posibleng kilalanin din ng Makati Regional Trial Court Branch 148 ang proclamation order ni Pangulong Duterte para maglabas ng arrest warrant sa kasong kudeta na walang piyansa at magkakait sa kalayaan ni Trillanes.

Facebook Comments