PINAGPIPILIAN | Apat na boksingero, nakahilera para sa April fight ni Manny Pacquiao

Sports – Isinasapinal na ni Top Rank CEO Bob Arum ang April 14 fight ng Filipino Boxing Champ na si Manny Pacquiao.

Ayon kay Arum, apat na boksingero ang nakahilera kay Pacquiao at pinagpipilian nilang makalaban nito.

Kabilang rito sina dating Junior Welterweight Champion Mike Alvarado ng Amerika, Welterweight Champion Lucas Matthysse ng Argentina at si WBA Lightweight Champion Jorge Linares ng Venezuela.


Hulyo pa ng nakaraang taon nang huling lumaban sa boxing ring si Pacquiao kung saan siya tinalo ng Australian Boxer na si Jeff Horn.

Facebook Comments