PINAGRERESIGN | Chairman Martin Delgra, pinagbibitiw ng Transport group sa LTFRB

Manila, Philippines – Pinagreresign ng Alyansa ng UV Express Service ng Pilipinas si LTFRB Chairman Martin Delgra dahil inuupuan lamang umano ang kanilang application para mabigyan ng prangkisa.

Ayon kay Efren de Luna ng grupong Alliance of Concerned Transport Organization o ACTO, masyadong sa nakakiling si Delgra sa Transport Network Vehicle Service o TNVS.

Nalilimutan at nababalewala na ang aplikasyon ng may 100 libong UV Express na hindi nabibigyan ng prangkisa.


Dahil dito, aabot din sa 100 libong tsuper ang hindi makabiyahe at nawalan ng hanapbuhay.

Ayon sa grupo na habang mabagal na aksyunan ang kahilingan nila na gawing naayon sa batas ang UV express service, napakabilis naman ang tugon ng ahensya sa pagbuo ng programa para sa legalization ng TNVS.

Kasunod ng kanilang kahilingang pagbibitiw sa puwesto ni Chairman Delgra, iniaaapela din nila na mabigyan ng amnestiya ang libo-libong UV Express na naimpound at hayaang makasama sa mabibigyan ng prangkisa.

Facebook Comments