Pinagsanib na firepower ng Philippine Army, Marines at Air Force, nasubukan sa live-fire exercise ng DAGITPA 2023

Sinaksihan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., ang pagsubok ng pinagsanib na firepower ng Philippine Army, Philippine Marine Corps at Philippine Air Force (PAF).

Ito’y sa isinagawang live-fire exercise sa Burgos, Ilocos Norte, na bahagi ng AFP Joint Exercise Dagat-Langit-Lupa (AJEX DAGITPA) 2023.

Ginamit sa ehersisyo ang Soltam M-71 artillery ng PMC kasama ang AW109 at A-29B Super Tucano aircraft ng PAF.


Layon ng drill, na masubukan ang kapabilidad ng iba’t ibang sangay ng AFP na magsagawa ng pinagsanib na territorial defense operation sa pamamagitan ng integration ng mga military unit at platapormang pandepensa.

Facebook Comments