*Cauayan City, Isabela-* Nakatakda nang mailarga sa limang barangay ng bayan ng Echague, Isabela ang pinagsanib na proyekto ng 86th Infantry Battalion, LGU at ng Provincial Government ng Isabela.
Ito ay matapos ang isinagawang Reading and Signing ng Memorandum of Understanding ng militar kahapon kasama ang alkalde at mga local na opisyal ng Echague.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Lt. Col. Remegio Dulatre, Commanding Officer ng 86th IB, bahagi at resulta ito ng kanilang isinasagawang Community Support Program o Emmersion sa mga barangay sa tulong na rin ng LGU Echague at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.
Tinatayang nasa isangdaan hanggang dalawang daang libong piso ang nakalaang pondo sa bawat barangay para sa gagawing proyekto gaya ng rehabilitasyon sa farm to market road o pagsasa-ayos sa mga lansangan.
Iimplimenta anya ang kanilang proyekto sa limang naaprubahang barangay na kinabibilangan ng Brgy Jasan, Mabbayad, San Carlos, Benguet, at Dicaraoyan.
Dagdag pa ni Col. Dulatre ay nakatakda na silang bumili ng mga gamit para masimulan na ang implimentasyon sa kanilang naturang proyekto.