PINAGSASAKSAK | Babae, nakaligtas sa higit 40 saksak sa Caloocan City

Caloocan City – Maituturing na pangalawang buhay ang mayroon ngayon sa isang babae matapos makaligtas sa 46 na beses na saksak sa Caloocan City.

Batay sa ulat, dumating sa apartment ng biktimang si Joan Bongares ang tatlong lalaki at nagpanggap ang mga ito na interesadong magrenta ng kwarto.

Pero pinasok ng mga lalaki ang kwarto at kinuha ang bag ng biktima na naglalaman ng tatlong cellphone.


Dito na nanlaban ang biktima at sinasak siya gamit ang ice pick ng isa mga salarin na si Michael Franco.

Bukod sa ice pick, ginamit ring panaksak sa biktima ang tinidor at kutsilyo.

Nagpanggap namang patay si Bongares habang tumakas ang mga suspek.

Agad namang nahuli si Franco habang tinutugis ang dalawang kasamahan nito.

Nagpapagaling naman sa ospital ang biktima.

Facebook Comments