PINAGSASAKSAK | Pamangkin, dedo sa tiyuhin

Cavite – Patay ang isang babaeng kinilala bilang si Liza makaraang pagsasaksakin ng sarili niyang tiyuhin sa Barangay Bagbag Rosario, Cavite.

Sa inisyal na impormasyon, matapos makipag-inuman ang biktima kasama ang tuyuhin nitong si Romulo at dalawang iba pa, magkasamang umalis ang magtiyuhin sakay ng sidecar na minamaneho ni Lisa.

Makaraan ang ilang sandali, mag-isa na lamang bumalik si Romulo dala ang sidecar.


Natagpuan ang bangkay ng kaniyang pamangkin sa madamong bahagi ng Barangay Bagbag.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments