PINAGSUSUMITE | Kongreso, hinihingan ng record ang AFP tungkol sa mga inarestong indibidwal dahil sa martial law

Manila, Philippines – Pinagsusumite ni Albay Representative Edcel Lagman ng record ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng listahan ng mga naaresto sa pagpapatupad ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay AFP Chief of Staff Lt. Gen. Benjamin Madrigal Jr., aabot sa 143 ang mga indibidwal na naaresto sa paglabag sa batas militar.

Hinihiling ni Lagman na isumite sa Kongreso ang mga nasabing listahan.


Maliban dito, pinagsusumite din ni Lagman ang gobyerno ng data tungkol sa inflation rate at poverty incidence sa Mindanao habang ipinapatupad ang batas militar.

Naniniwala si Lagman na ang panibagong hirit ng martial law extension ay pag-amin ng militar at pulisya na palpak sila sa pagtupad sa objectives ng pagpapatupad ng batas militar.

Kung aaprubahan ng Kongreso ang ikatlong martial law extension, aabot na sa 1,000 araw na nasa ilalim ng martial law ang Mindanao.

Samantala, sinabi naman ni DILG Secretary Eduardo Año na positibo ang feedback ng mga mamamayan sa Mindanao sa pagpapatupad ng martial law.

Ayon kay Año, mas cooperative at supportive ang mga LGUs sa militar at pulis sa paglaban sa mga rebelde.

Sa katunayan aniya ay mas komportable at mas ligtas pa nga ang pakiramdam ng mga residente dahil sa presensya ng mga otoridad.

Minsan na kasing pinull-out ang checkpoints sa Mindanao at mismong ang mga residente ang nagpabalik nito dahil mas ligtas ang kanilang pakiramdam.

Sinabi pa ni Año na kung ikaw ay isang lawless elements ay tiyak na palaging takot ang mararamdaman sa ilalim ng batas militar.

Facebook Comments