Pinagtagpo pero ‘di tinadhana? May payo diyan si Papa Ping!

Magkaroon ng puso na mapagpatawad at kayang magpalaya sa mga taong mahal mo ngunit mayroon namang ibang minahal.

‘Yan ang payo ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson sa mga nakaranas na iwan at ipagpalit ng mga minahal nila. “Sa akin, ito ang analogy, sinabi sa ‘yo: “Hindi kita mahal, ito ‘yung mahal ko.” Ano gagawin mo? Doon ka na lang, ‘di ba?” aniya.

Kaugnay rin ito ng ginawa niya at kanyang running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na pagtanggal sa dalawang kandidato sa kanilang senatorial slate, makaraang mag-endorso ng ibang presidential tandem.


Ayon kay Lacson, naging usapan na nila ni Sotto na hahayaan nilang sumama sa ibang mga campaign rally ang ilang mga senatorial candidate na kabilang sa kanilang ticket, basta’t ang layunin lamang ay ipakilala ang kanilang sarili at plataporma.

“Parang ganito ‘yon, sabihin sayo: ‘Mahal kita. Manonood lang kami ng sine sandali ha’. Ganoon lang ‘yon. ‘Mahal pa rin kita. Kayo ang mahal ko kaya lang manunuod kami ng sine’,” paliwanag ni Sotto sa mga aspirant na nagpapaendorso sa kanila ngunit sa iba sumasama para mangampanya.

“E wala e. As far as we’re concerned, noong sumama sila sa amin, mahal nila kami, unless sabihin nilang ‘iba na ngayon ang mahal namin’, ibang usapan ‘yon,” sabi ni Lacson.

Sa kabila nito, walang sama ng loob sa panig nina Lacson at Sotto at itinuturing pa rin nilang mga kaibigan ang mga kandidatong ito. Nauunawaan umano nila na gusto rin nilang manalo sa anumang pamamaraan na tingin nila ay papabor sa kanila.

Love that is not met can reach but halfway… At the end of the day, ako, as far as I am concerned, peace is life’s greatest reward,” sabi ni Lacson.

Facebook Comments