PINAGTANGGOL | Kampo ni CJ Sereno, dumipensa sa pagkwestyon sa kwalipikasyon ng kanyang TWG head

Manila Philippines – Dumepensa ang kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pagkuwestiyon sa kwalipikasyon ni Supreme Court Technical Working Group Head Atty. Jocelyn Fabian.

Ito ay matapos makuwestiyon sa Sereno Impeachment hearing ang kakayahan ni Fabian na siya ring naatasang mag-proseso ng survivorship benefits ng mga naulila ng mga yumaong mahistrado.

Sinabi ng tanggapan ng Chief Justice na dumaan sa interview ng panel si Fabian nang mag-apply ito sa Korte Suprema.


Una nang inakusahan ni Atty. Larry Gadon Si Atty. Fabian na kulang ang kaalaman sa kanyang trabaho sa Supreme Court.

Sinabi rin ni Gadon na magkasama sa relihiyon sina Sereno at Fabian.

Facebook Comments