Manila, Philippines – Iginiit ni Solicitor General Jose Calida na may kapangyarihan ang Pangulo na magdisiplina ng Deputy Ombudsman.
Ayon kay Calida, sa ilalim ng 1987 Constitution, tanging ang Ombudsman lamang ang maaari sa impeachment proceedings.
Inihayag rin si Calida na dahil ang pangulo ang appointing authority, mayroon siyang kapangyarihan na magdisiplina ng Deputy Ombudsman.
Ginawa ni Calida ang pahayag matapos ang siyamnapung araw na preventive suspension ng Malakanyang kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang dahil sa reklamong grave misconduct at grave dishonesty.
Ayon kay Calida, maari namang kwestyunin ni Carandang sa korte ang pagsuspindi sa kanya at nakahanda naman ang tanggapan ng Solicitor General na idepensa ang hakbang ng Palasyo.