Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Senator Manny Pacquiao ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumalas sa Rome Statute na siyang lumikha sa International Criminal Court o ICC. Giit ni Pacquiao, dapat irespeto at suportahan ang desisyon ni Pangulong Duterte dahil hindi naman ito gagawa ng hakbang para lamang sa sarili. Ayon kay Pacquiao, kilala niya ang Pangulo na hindi iniisip ang sarili at ang ginagawa ay palaging para sa bayan. Patunay aniya nito kung paano ginampanan ni Pangulong Duterte ang kanyang tungkulin bilang ilang dekadang mayor ng Davao kung saan hindi siya nanamantala para lang magpayaman. Binigyang diin pa ni Senator Pacquiao, na hindi isang pagtakas sa reklamo sa ICC ang pasya ni President Duterte dahil wala naman itong kasalanan at ginagampanan lang ang kanyang trabaho. <#m_-8739334357439000857_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>
PINAGTANGGOL | Pagkalas ni Pangulong Duterte sa Rome Statute, dapat suportahan at igalang – Senator Pacquiao
Facebook Comments