Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Senator Richard Gordon ang naging pagpapamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte kay House Speaker Pantaleon Alvarez sa proseso ng impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Naniniwala si Gordon na nagalit lang ang Pangulo dahil sa hinala o pagpilit na may kinalaman siya sa mga galaw para mapatalsik si Sereno.
Paliwanag ni Gordon, ang impeachment ay isang political process kung saan mahalaga ang numero o desisyon ng malaking bilang ng mambabatas.
Diin pa ni Gordon, hindi maituturing na pakikalam o pag-impluwensya sa lehislatura ang pahayag ng Pangulo.
Paliwanag ni Gordon, ang Ehekutibo at Kongreso ay magkapantay na sangay ng gobyerno kaya hindi obligadong sumunod sa Pangulo ang mga mambabatas.
Facebook Comments