Manila, Philippines – Maaring fake news ang ulat ng United States Intelligence Community na isa si Pangulong Rodrigo Duterte sa banta sa demokrasya at Human Rights matapos ang kanilang ginawang worldwide threat assessment.
Ito ay ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, aniya mas maiging matukoy muna kung anong partikular na US intelligence ang gumawa ng assessment.
Pero sakali man aniyang totoo ang ginawang assessment ng US intelligence community sinabi nyang may karapatan ng sinuman ang magbigay ng opinyon.
Maging ang Pilipinas aniya ay maaring magsabi ng threat assessment sa US na banta rin sa demokrasya at Human Rights.
Ngunit nilinaw nya na sa ngayon ay wala silang kaparehong opinyon sa Amerika.
Ang US intelligence community ay isang grupo na binubuno ng 16 na government agencies na nagsasagawa ng mga pagsisiyasat o intelligence para suportahan ang Foreign Policy at National Security ng Amerika.