PINAGTATAGA | Tatay na lasing, minasaker ang kanyang mag-iina sa Romblon

Romblon – Patay ang mag-iina ng isang lalaking lasing matapos nitong pagtatagain kaninang umaga sa Sitio Tinimbawan, Brgy. Calunacon, San Andres, Romblon.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Mylene Talangan, 31 anyos, live-in partner ng suspek at mga anak nitong sina Emilyn Falceso, 9 anyos , Grade 3 pupil; at Erwin James Falceso, 5 anyos, Preparatory pupil, mga residente ng Barangay Calunacon, San Andres, Romblon.

Habang ang suspek naman ay kinilalang si Michael Forlaje Falceso, 33 anyos live-in partner.


Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, ang tagapagsalita ng PNP MIMAROPA Region, nakatanggap ng tawag ang San Andres Municipal Police Station mula sa isang Raul Deluviar sa ginawang pagpatay ng suspek sa mga biktima.

Agad na rumesponde sa lugar ang mga pulis kasama ang mga barangay tanod pero papalapit pa lamang sila bahay ng mag-anak ay inatake agad sila ng suspek bitbit ang itak na ginamit sa pagpatay sa kanyang mag-iina.

Dito na sya pinaputukan ng isang pulis gamit ang isang M16 rifle at tumama sa kanyang kaliwang tiyan, naisugod pa ito sa pagamutan pero idineklarang dead on arrival.

Facebook Comments