Sa isang pambihirang pagkakataon, napatawa ng isang Amerikanong Presidente ang mga dumalo sa UN General Assembly sa New York.
Pinagtawanan kasi ng mga delegado si U.S. president Donald Trump matapos nitong ipagmalaki na mas maraming nagawa ang kaniyang administrasyon kumpara sa ibang pang Presidente sa kasaysayan ng Estados Unidos.
Nangyari ito habang nagtatalumpati si Trump sa General Assembly at kahit pinagtawanan nagawa pa nito na magbiro at matawa rin.
Nagsalita si Trump sa UN para muling isulong ang kontrobersiyal na “America First” policy nito at ang pagtutol nito sa globalism.
Sa halos dalawang taong panunungkulan ni Trump umani ito ng napakaraming batikos dahil sa mga kontrobersiyal na mga polisiya nito laban sa mga illegal immigration, foreign trade, giyera sa Iraq at maraming iba pa.