PINAGTIBAY | Desisyon na nagbabasura sa pagtestigo ng 3 akusado sa Maguindanao massacre case, pinagtibay ng CA

Manila, Philippines – Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang nauna nitong desisyon na huwag pumayag sa pagtestigo sa Maguindanao massacre case ng tatlong akusado sa kaso.

Sa resolusyon ng CA Former Special Thirteenth Division, binasura nito ang partial Motion for Reconsideration (MR) na inihain ng government prosecutors na humihiling na gawing testigo sa kaso sina Police Inspector Rex Ariel Diongon, PO1 Rainier Ebus at Mohammad Sangki.

Ayon sa Appellate Court, walang naiprisintang bagong ground ang petitioner para bawiin ng CA ang nauna nitong desisyon.


May 27, 2015 nang maglabas ng desisyon ang Court of Appeals (CA) na pumapabor sa desisyon ni Quezon City RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes na nagbabasura sa mosyon ng Department of Justice (DOJ).

Kumbinsido rin ang Appellate Court sa iginiit ni Judge Reyes na ang testimonya ng tatlo ay kapareho lamang ng testimonya ng mga testigong sina Raul Sangki, Norodin Zailon Mauyag, Akmad Abubakar Esmael at Lakmodin Saliao.

Facebook Comments