PINAGTIBAY | Panukalang bumuo ng tourist protection task force, pinagtibay sa committee level ng kamara

Manila, Philippines – Pinagtibay ng house committee on tourism ang substitute bill na bubuo ng isang inter-governmental task force na poprotekta at aayuda sa mga turista.

Sa ilalim ng house bill 2963 na ini-akda ni Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo, magkakaroon ng international visitor assistance at house bill 1828 ni Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas na layon namang maiwasan ang harassment ng mga turista sa bansa.

Kinikilala nito ang mga ambag ng mga turista sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.


Sa loob ng 90 araw matapos maaprubahan ang panukalang “tourist protection and assistance act,” bubuo ang kalihim ng Department of Tourism (DOT) ng inter-governmental task force, na magiging tourist protection and assistance task force.

Facebook Comments