PINAGTIBAY | Petisyon ni Malabon City Rep. Ricky Sandoval laban sa Ombudsman, ibinasura ng SC

Manila, Philippines – Pinagtibay ng Korte Suprema ang dalawang resolusyon ng Office of the Ombudsman na makasuhan ng graft at malversation of public funds si Malabon Congressman Federico Ricky Sandoval.

Ibinasura ng Supreme Court 2nd division ang petisyon ni Sandoval na kumukwestiyon sa resolusyon ng ombudsman noong august 2017 at april 2018 laban sa kongresista dahil sa maanoomalyang priority development assistance fund nito.

Ayon sa Korte Suprema,walang pag-abuso sa panig ng ombudsman dahil malakas ang ebidensya nito laban kay Sandoval.


Ang direktang pag-endorso ni Sandoval sa Dr. Rodolfo A. Ignacio, Sr. Foundation, Inc. para magpatupad ng kanyang livelihood projects at ang bigong maipatupad at mai-liquidate ang pinagkagastusan ng pondo ay sapat ng basehan na may paglabag sa anti-graft law ang mambabatas.

Kasama si Sandoval sa mga kinasuhan ng Ombudsman sa Sandiganbayan noong Agosto dahil sa PDAF scam mula sa Malampaya fund noong 2009 hanggang 2010.

Facebook Comments