PINAGTIBAY | Preventive suspension laban kay dating PDEA Director Danny Pedroso, kinatigan ng CA

Manila, Philippines – Pinagtibay ng Court of Appeals ang nauna nitong desisyon na kumakatig sa preventive suspension order kay PDEA Director for Intelligence and Investigation Service Danny Pedroso.

Ibinasura ng 17th division ng appellate court ang apela ni Pedroso sa kabiguang maghain ng bagong argumento laban sa naunang pasya noong Agosto 2017 kaugnay ng kaso nitong katiwalian

Magugunitang sinuspinde ng Ombudsman si Pedroso at limang iba pang opisyal ng PDEA habang ini’imbestigahan ang maanomalyang pag-arkila ng mga luxury vehicle gamit ang pera ng bayan para sa anti-drug opertion noong 2013.


Inakyat ni Pedroso sa CA ang pasya ng Ombudsman laban sa kanya dahil sa aniyay pag-abuso ng kapangyarihan at hindi sya nabigyan ng due process.

Facebook Comments