Amerika – Pinagtibay ng United States (US) Supreme Court ang ipatutupad na travel ban ni U.S. President Donald Trump.
Base sa ruling, si Trump ay mayroong malawak na kapangyarihan sa ilalim ng immigration law para maprotektahan ang national security.
Sa twitter post ni Trump, sinabi niya na isa itong malaking tagumpay para sa kanyang mamamayan at ng kanilang konstitusyon.
Sa ilalim ng travel ban, ipinagbabawal na makapasok sa U.S. ang mga tao galing sa Iran, North Korea, Syria, Libya, Yemen, Somalia at Venezuela.
Facebook Comments