Manila, Philippines – Pinagtibay ng Court of Appeals ang naunang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 na pagbasura sa kahilingan ni Dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan na akusado sa Maguindanao massacre case
Sa 23-pahinang resolusyon ng Court of Appeals (CA) 8th Division na isinulat ni Associat Justice Marie Christine Azcarraga-Jacob, ibinasura ng appellate court ang apela ni Ampatuan dahil sa kawalan ng merito.
Hindi kumbinsido ang CA sa argumento ni Ampatuan na bigo ang prosekusyon na magprisinta ng kapani-paniwalang ebidensya na susuporta sa kanilang paratang na isa siya sa mga nakipagsabwatan para gawin ang krimen.
Dahil dito, hindi binaligtad ng CA ang findings ng mababang hukuman na may “strong evidence of guilt” laban kay Ampatuan kaya hindi siya dapat payagang makapagpyansa.
Magugunitang 58 ang napaslang kasama na ang 32 mediamen nang tambangan sa Barangay Salman sa Ampatuan ,Maguindanao
Nangyari ito nang maghahain sana ng Certificate of Candidacy (COC) si Dating Buluan Vice Mayor Esmael Mangudadatu.
Ang COC ay para sa pagtakbo ni Mangudadatu sa pagka-gobernador ng Maguindanao kung saan nakalaban niya si Dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. na pangunahing akusado sa kaso.