Manila, Philippines – Target ng Land Transportation Officeo LTO na simulan sa Agosto ang pagpapatupad ng mas mahabang validity ngprofessional at non-professional driver’s license, na may biometrics, hangganglimang taon mula sa kasalukuyang tatlong taon lamang.
Lumabas sa pagdinig ng Committee on Public Services nana-iaward na ang kontrata sa isang Filipino-German Company.
Ayon kay Senator Grace Poe, na syang chairperson ngnabanggit na committee, ito ay solusyon din sa backlog sa pag-iisyu nglisensya.
Sa pagdinig ay sinabi ng LTO na walang magiging dagdag nasingil sa kabila ng pagkakaroon ng bagong safety features ng driver’s license.
Paliwanag ng LTO, mas mababa ang cost of production nitosa 389 pesos, kumpara kasalukuyang sinisingil na 820 pesos para sa bagongaplikasyon ng lisensya at 652.63 pesos naman para sa renewal.
Ayon kay Senator Poe, hindi na sya magsasagawa ng dagdagna pagdinig.
Plano din ni Sen. Poe na agad maglabas ng committeereport upang mapirmahan at mapag-debatihan na sa plenaryo at tuluyangmaisabatas bago mag-adjourn ang session sa Hunyo.
Pinahabang validity ng bagong driver’s license na may biometrics, target ipatupad sa buwan ng Agosto
Facebook Comments