Makikipag-ugnayan ang Quezon City Local Government Unit (LGU) sa mga pinuno ng simbahan sa lungsod kaugnay ng pinahigpit na health protocols sa pagpasok ng panahon ng Semana Santa.
Ito ang ipinahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa harap ng naitalang 200 percent na pagtaas ng COVID-19 cases sa lungsod.
Batay sa datos, abot sa 218 na kaso ang naitala mula March 2 at March 8 mula sa 75 cases sa kaparehong panahon noong Pebrero.
Makikipagpulong ang alkalde sa mga Obispo ng Novaliches at Cubao upang makapaglatag ng solusyon upang hindi na magdagdag sa pagsipa ng impeksyon ang mga religious activity.
Hindi payag si Belmonte sakaling igiit ang Metro Manila wide lockdown dahil sa pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Naunang sinabi ni Belmonte na mas pabor siya sa mas pinaigting na paghihigpit sa mass gathering sa halip na magpatupad ng Metro Manila wide lockdown.