PINAHIGPIT | Seguridad sa pagbobotohan ni Pangulong Rodrigo Duterte – kasado na

Davao – Mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa loob at labas ng Daniel R. Aguinaldo High School sa Matina, Davao City kung saan boboto ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang tiniyak ng principal ng eskuwelahan na si Arlene Pernes, dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao upang makita si Pangulong Duterte.

Ayon kay Pernes, nakahanda na ang crowd control sa oras na dumating na ang pangulo para bumoto.


Inilabas na rin ang wooden armchair kung saan itinago sa isang glass box kung saan ito ang ginamit ng Pangulo nang siya ay bumoto noong 2016 elections.

Facebook Comments