PINAHIHIGPIT | Paghihigpit sa mga Pantalan, iminungkahi ni Senator Bam Aquino

21

Manila, Philippines – Iminungkahi ni Senador Bam Aquino ang mahigpit na pagbabantay sa mga Pantalan uapng mapigilan ang pagpupuslit sa ipinagbabawal gamot.

Ginawa ni Aquino ang pahayag matapos malusutan ang BOC ng 6.8 billion pesos na hakaga ng shabu sa pamamagitan ng pagdaan sa magnetic lifters.

Paliwanag ni Senador Aquino, kapansin pansin aniya na sa mga Pantalan naipupuslit ang ilegal na droga at hindi sa backdoor entry.

Giit ng Senador, hindi magtatagumpay ang giyera kontra sa iligal na droga ng gobyerno kung hindi nito tututukan ang supply ng ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments