PINAHIHINGI NG TAWAD | Bro. Eddie Villanueva, Pinagso-sorry si Pangulong Duterte sa pagtawag nitong "Stupid" sa Diyos

414

Manila, Philippines – Pinagso-sorry ni Jesus is Lord Founder Bro. Eddie Villanueva si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay ito ng pagtawag ng Pangulo na “Stupid” sa Diyos.

Sa isang Interview, sinabi ni Bro. Villanueva na bilang pinuno, dapat na tanggapin ni Duterte ang kanyang pagkakamali at humingi ng tawad sa mga Pilipino.


Wala pang tugon dito si Pangulong Duterte, pero kahapon, una nang sinabi ni presidential spokesperson harry roque na hindi magso-sorry ang Pangulo.

Samantala, kahapon ay nagsimula na ang pakikipagdayalogo ng binuong 3-man team ng Pangulo sa religious group kung saan inuna nilang kausapin ang Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC).

Facebook Comments