Manila, Philippines – Pinahintulutan ng Philippine National Police (PNP) ang Commission on Human Rights (CHR) na ma-access ang mga case file ng mga namatay sa ilalim ng mga kampanya kontra droga.
Pero ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa – hindi lahat ng kopya ng case reports ay maibibigay sa CHR dahil marami pa ring kaso ang patuloy na iniimbestigahan.
Ang maari lamang maibigay sa CHR ay ang mga kopya ng spot reports ng mga kaso kagaya ng mga kopyang naisumite nila sa Senado at Kamara.
Dagdag pa ni Dela Rosa – may ilang kaso rin ang naglalaman ng mga kumpidensyal na impormasyon.
Malugod namang tinanggap ni CHR Chairman Chito Gascon ang desisyon ng PNP pero patuloy nilang ihihingi na ma-access ang lahat ng case folders.
Facebook Comments