Pinaigting na anti-overloading operations sa buong bansa, ipinag-utos ng LTO

Inatasan ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang lahat ng enforcer ng ahensya na paigtingin ang anti-overloading operation sa buong bansa.

Una nang sinampolan ng Land Transportation Office (LTO) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 45 na mga overloaded na sasakyan sa Metro Manila at urban areas.

Aniya kung dati, nakakagawa ng paraan ang ibang motorista para iwasan ang paglabag, hindi na ito uubra ngayon.


Nais ni Mendoza na hindi na lang gagawing madalas ang mga inspeksyon kundi gagawin na umano itong random.

Bukod sa mga trak, na paiigtingin din ang anti-overloading operation partikular sa mga Public Utility Vehicles (PUVs) sa mga probinsya.

Mahigpit ang tagubilin ni Assec. Mendoza sa lahat ng regional directors na tiyaking makakapagsumite ng regular na ulat ng kanilang mga operasyon sa kani-kanilang area of responsibility.

Facebook Comments