Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang pinaigting na COMELEC checkpoint ay isa sa mga factors upang makamit ang maayos at mapayapang BSKE sa October 30.
Kasunod nito, siniguro din ni AFP Western Mindanao Command Commander Maj. Gen. Steve Crespillo na patuloy nilang paiigtingin ang kampanya kontra loose firearms.
Sa katunayan, sa kanila sa Central Mindanao ay tuloy tuloy ang pagsuko ng mga dating rebelde kasabay nang pag-turn over ng kanilang mga armas.
Paliwanag nito, sa pamamagitan ng mga inilatag na COMELEC checkpoint ay madaling mahuli ang mga violators tulad ng may dalang mga baril na ipinagbabawal sa ngayon dahil sa umiiral na gun ban.
Maliban dito, naaagapan din ang anumang kriminalidad kapag mayroong checkpoint at police visibility sa lugar.