Pinaigting na information drive tungkol sa Universal Health Care Law, hiniling ng isang kongresista

Manila, Philippines – Hiniling ng ilang kongresista sa Kamara na palakasin at paigtingin pa ang information drive sa Universal Health Care Law.

Ayon kay Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy, isa sa mga may-akda ng batas, mahalagang maipaalam na lahat ng mga Pilipino ay sakop ng Universal Health Care saan mang sulok ng bansa naninirahan.

Ibig sabihin, masasakop na ang lahat ng mga Pilipino ng libreng check-ups, laboratory tests, basic maintenance medicines at libreng kwarto sa mga pampublikong ospital.


Inirekomenda ng mambabatas na i-mobilize ang mga barangay para maihatid ang benepisyo ng batas sa lahat ng pamilya sa bansa at maibigay ang nakapaloob sa PhilHealth coverage.

Paliwanag ng mambabatas, ang pagpapaalam sa publiko tungkol sa Universal Health Care Law ay isang malaking hamon dahil hindi naman lahat ay may access sa telebisyon, radyo at dyaryo lalo na ang mga nakatira sa malalayo at liblib na lugar.

Facebook Comments