Bilang bahagi ng kampanya sa mas handang komunidad, ibinaba ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang inklusibong plano sa pamamahagi ng disaster preparedness kits sa lahat ng paaralang elementarya.
Bawat kit ay naglalaman ng flashlight, whistle, hard hat, at mahahalagang gamit na maaaring magsilbing proteksyon ng mga kabataan sa oras ng lindol, baha, sunog, at iba pang sakuna.
Tiniyak naman ang sistematikong proseso ng distribusyon upang lahat ng mag-aaral ay makatanggap nito sa pakikipag-ugnayan sa mga school heads.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng bayan upang lumikha ng mas matatag at disaster-ready na komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









