Pinaigting na kampanya kontra illegal recruitment at human trafficking, inaasahan ni PBBM

Screenshot from RTVMalacañang/YouTube

Inaasahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang magandang resulta ng pagtutulungan ng national government at lokal na pamahalaan ng Pampanga para maprotektahan ang Overseas Filipino Workers (OFWs) laban sa illegal recruitment at human trafficking.

Sa pamamahagi ng Agarang Kalinga at Saklolo o AKSYON Assistance, binigyang-diin ng pangulo ang kahalagahan ng malinaw na koordinasyon at sabayang pagkilos ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Ayon sa pangulo, hindi sapat na may mga programa lang dahil kailangan itong ipatupad nang maayos at may malasakit.

Mas paiigtingin din ang ugnayan ng Department of Migrant Workers (DMW) at mga lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng mga OFW sa ilalim ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA).

Giit ng pangulo, ang kasunduan ay simbolo ng pagkakaisa ng national at local government laban sa illegal recruitment at human trafficking.

Bilin din niya sa mga ahensiya ng pamahalaan na gawing mabilis, maayos, at makatao ang serbisyo para sa mga Pilipino.

Facebook Comments