Pinaigting na kampanya kontra terorismo sa bansa, ipinag-utos ng DOJ

Ipinag-utos ng Department of Justice (DOJ) ang mas pinaigting na kampanya kontra terorismo sa bansa.

Ayon sa DOJ, kamakailan ay naghain ng kasong kriminal ang Task Force on Counter-Terrorism and Terrorism Financing sa Community Empowerment Resource Network, Inc. (CERNET) at mga opisyal nito, dahil sa paglabag sa Terrorism Financing Act.

Batay sa resolusyon, inihain ito ng Joint Task Group Cebu at 3rd Infantry Division matapos na suportahan umano ng CERNET ang South Eastern Front ng New People’s Army sa pamamagitan ng paghahatid ng mga kagamitan.


Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi titigil ang pamahalaan sa pagtugis sa mga naghahatid ng takot sa mga komunidad.

Ipinag-utos pa ni Remulla na sisiguraduhing makukulong ang lahat ng mga pumopondo sa terorismo na wala aniyang lugar sa ating lipunan.

Facebook Comments