PINAIGTING NA KOMUNIKASYON, TAMPOK SA GAD INFORMATION SUMMIT NG SAN CARLOS CITY

Pinangunahan ng Pamahalaang Panglungsod ng San Carlos City ang dalawang araw na Information Summit sa Gender and Development (GAD) Awareness and Sensitivity.

Sa naturang aktibidad, binigyang-diin ng City Information Office na mahalaga ang summit upang mapalakas at mapaunlad ang lokal na komunikasyon, lalo na sa pagbabahagi ng tama, malinaw, at makabuluhang impormasyon sa komunidad.

Tinalakay sa aktibidad ang mga paksa tulad ng paggamit ng social media sa pamahalaan, transparency, at mga prinsipyo ng gender and development sa komunikasyon.

Sa pamamagitan ng intensified communication efforts , layon ng lungsod na mas mapabuti ang ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan sa pagsisigurong naipararating nang maayos ang mga mahahalagang programa.

Facebook Comments