
Ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensyang nagpapatupad ng pag-aresto laban sa mga indibidwal na kinasuhan ng graft at malversation kaugnay sa flood control scandal.
Kasama sa pulong sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, Acting Department of Justice (DOJ) Secretary Fredderick Vida, Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Benjamin Acorda Jr., Acting Philippine National Police (PNP) Chief PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., at National Bureau of Investigation (NBI) OIC Angelito Magno.
Malinaw na senyales ito na personal nang minomonitor ng Pangulo ang operasyon.
Kasama sa target ng manhunt operation si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, at ang iba pang at large o hindi pa nahuhuli.
Matatandaang nagbabala ang pangulo sa mga natitira pang akusado na sumuko na bago pa tuluyang habulin ng mga awtoridad.









