Pinaigting na military exercises sa pagitan ng tropa ng Pilipinas at Amerika, posibleng gumagatong sa tensyon sa West Philippine Sea

Naniniwala si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na ang pinaigiting o napapadalas na military exercises sa pagitan ng tropa ng Pilipinas at Amerika kasama din ang iba pang mga bansa ay posibleng gumagatong sa China at nagpapalala ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ito ni Manuel kasunod ng pagbangga ng Chinese Coast Guard sa ating resupply mission vessel sa Ayungin Shoal kung saan ilang tauhan ng Philippine Navy ang nasaktan at ang isa ay napatulan pa ng daliri.

Ipinunto ni Manuel na ang marahas na aksyon ng China ay naganap kung kelan may nangyayaring mga military exercises ang Pilipinas kasama ang US, Japan, at Canada sa WPS.


Gayunpaman, ay iginiit pa rin ni Mauel na dapat managot ang China.

Ayon kay Manuel, hindi maituturing na isolated o bibihirang pangyayari ang insidente kaya ito ay dapat i-akyat sa international bodies.

Facebook Comments